Lunes, Agosto 22, 2011

Ang tawa ng pulis

Isang mainit na tanghali ang tumambad sa aming barkada habang lulan kami ng tricycle papuntang isawan.Doon napagpasyahan ng barkada na kumain ng tanghalian.Mainit ang ihip ng hangin at mas lalong uminit ng malanghap namin ang usok mula sa uling na paglulutuan ng mga napili naming street foods sa isawan.Niluto na ni kuya mag-iisaw ang mga pinili namin,Hotdog lang naman ang pinaluto ko samantalang mga bituka ng kung anu mang hayop,dugo at kung anu-ano pang putahe ang kanilang pinaluto.May ilang minuto din kaming naghintay para makakain ng tanghalian.Ayan na,luto na!Nagdasal muna kami gawa ng nagiging kaugalian ng barkada dahil mababait kaming mga estudyante.Naghanda ng sawsawang suka si lesliefin unera mercado(bUONG-BUO e.).Maraming sibuyas na hindi naman nakakain at suka na hindi ko alam kung nalalasahan ba talaga ng dila ko.Sinawsaw ko ang hotdog na inorder ko sa sukang may sibuyas.Masarap talaga,gusto ka pa nga bumili pa kaso sayang petaks,pang-ICE CREAM na din yon.Pinigin ko ang sarili ko.Natapos din ang marahil ay may isang oras na pagkain namin.Hindi nabusog ang aking kapid na tiyan sa aking kinain.Nang biglang pumasok sa isipan ko ang aking paboritong dessert,ang ICE CREAM.Humahaba ang oras ng aming patigil doon,nagtext ang aking kakambal na si JANET JACA GARCIA.Nagpapahintay,ewan lang namin kung kakain, lahat kami ay tapos nang kumain maliban na lang sa kanya.Lumipas ang ilang minuto at umiinit lalo ang init ng araw.Ay salamat,dumating din sa wakas.Yun nga lang,hindi kumain at busog daw.WATEVER!!Nagyakag ako para bumili ng Ice Cream sa mini stop.Lahat kami bumili liban lang kay leslie na ayaw talaga papilit sa pagbili  dahil isaw pa din ang gusto.Natunaw ang ice cream pagkalabas namin ng store na yon dala ng matinding init ng araw.Nagmadali sa pagkain ang bawat isa dahil baka mawala na lang ng basta ang ice cream na binili at lamunin ng sinag ng araw.Naglakad hanggang marating ang bilian ng  ribbon.Pawisan pa din at hindi pa din nahahagkan ng hangin ang aming mga pawisang katawan.Nagpaypay ng kamay pero lalong umiinit ang pakiramdam ko.May ilang minuto din ang tinagal namin doon.Natapos ang transaksyon...(itutuloy..ang saki na ng ulo ko e.)

Miyerkules, Agosto 10, 2011

wa POISE!!!

  Magatakip silim na ng araw na iyon matapos kong maranasan ang isang pangyayari sa aking buhay.Sa tapat ng CYBER HUB sa school namin,walang masyadong tao at kakatapos lang magtakaw ng aming barkada.Maraming pagkain ang aming inilagay sa aming sisidlan upang sa aming paglalakad kami'y hindo makaramdam ng gutom.Habang kami ay naglalakad papalabas ng school,ang aming mga kwento ay tila ba hindi na matatapos.Naisipan kong magsalita at ako ay talagang kinikilig sa aking sasabihin kung kaya't ang takong ng aking sapatos ay sumabit ng hindi inaasahan sa aking asul na palda.Nawalan ako ng balanse kung kaya't ako ay natumba.Halos hindi ko malaman ang aking gagawin kaya't tanging malakas na tawa na lamang ang aking pinakawalan mula sa aking mga labi.Ang aking mga kbarkada ay halos magkanda-utot na sa lakas ng kanilang mga tawa.Hindi na kami magkamayaw ng mga oras na yon.

Biyernes, Agosto 5, 2011

Downloading MIND!

        Maraming araw at taon ang lumipas at tila ba ang aking isipan ay kung saan na napadpad.Hinahanap ang lugar at panahon na kanyang dapat ituon sa mga bagay-bagay sa mundo. Hanggang isang araw, sa hindi inaasahang pagkakataon, isang tila ba liwanag ang siyang pumukaw sa aking kamalayan.
        Bandang alas dyes-at kalahati na ng araw na yaon ng biglang napagtuunan ng aming aralin ang aking isipan. Nang mga oras na iyon,isip ko ay nalilito at tila ba hindi na maintindihan ang mga tinatalakay sa araling "PSYCHOLOGICAL STATISTIC".Isip ko ay tila naging aso na nagsusunud-sunuran sa bawat sinasabi ng aming profesor. Mga kaklase ko ay walang sa pakialam sa pinag-uusapan sa unahan at may kanya-kanyang mundo. May tawa ng tawa na parang mga baliw,usapang labas sa tinatalakay,kantahan na walang kaugnayansa statistic.Ewan ko ba,parang may masamang elemento ang sumapi sa utak ko kung kaya't naisipan kong makinig.Nagsimulang magpatuloy iyon hanggang sa klase namin sa CHEMISTRYSa room ng 213, ang naging lecture classroom namin.Ang tenga ko ay naging tengang-kawali dahil iniintindi ko ang aking mga basahin sa THEORY(ang isa sa pinakamasayang klase).Tungkol lang naman yon kay CARL JUNG,isang psychologist ng mga nagdaang henerasyon sa ibang bansa.
     Ayan na!!!Chemistry na pala...Tatlong mga exercises ang agad kong nadatnan matapos kong takbuhin ang hagdan patungo sa ika-apat na palapag.Sa sobrang katakawan ng aming barkada,hayan,nahuli na naman kami...anu pa nga bang bago???Balik ulit tayo sa sinasagutan naming papel,mahirap gumawa ng chemical bonding,chemical formula at kung anu-anong tungkol sa chemical...nakakabaliw ng utak,sobra...Pero di ko akalain na sa pagsasagot kong iyon malalaman na ang aking utak pala ay gumagana pa.Hindi pa pulpol in short..
    Ang saya ng utak ko!!

Lunes, Agosto 1, 2011

eto na to!!!

Hay,(^-^)...
       Isang malalim na hinga ang aking pinakawalan bago ko pa naayos ang blog ko.Sa halip na makinig ako sa aming proffesor na si Sir. Tristan Eseo ng tungkol sa probability sa Statistic e ginigulo ako ng aking isipan. Ewan ko ba,tila ba wala sa hwisyo ang aking pag-iisip sa tuwing Math ang pag-uusapan. Utak ko ay umuurong pagka't ayaw na ang mga numero na siyang  gumulo sa ayos nito. Ayan nga o, naririnig ko na ang mga cards ng baraha...anu naman ang kinalaman nila sa probability? Mamaya,magalit pa sila at lahat ay mawala sa kanilang pagkakapostura doon.hahaha..natatawa na ako sa mga tumatakbo sa isip ko sa kabila ng mga tinatalakay dito sa loob ng computer lab.
        Sa oras ng stat namin lalo na at sa computer lab,mabibilang lamang ang nakikinig pero hindi ako kabilang sa kanila. Palagay ko'y halos marami ang porsyento sa amin ng hindi nakikinig.Tama ang pagkakabasa mo...hindi nakikinig.Bakit ba naman kase sa may mga computer pa nauso ang magklase? Hayan tuloy, kokonti ang pumapasok sa utak ko.Pag makikinig ako,oo,may pumapasok...pero kapag mahirap ang lesson,wow...sumasakit lang ang ulo ko.Wala chika lang yan.hahaha.
        Ngayon nga ay nagawa ko na ang blog ko.Marami na rin akong nagagawang kung anu-ano,pero sa facebook ko lang nalalagay. Wala e,ngayun lang nauso sa akin ang Blogspot.com.
        Keep in touch.:)
        MAgkaroon ka sana ng mgandang araw!


...eto ang proffesor ko sa Statistic.SIMPLE PERO ASTIG!!